MANILA, Philippines – Sa loob lamang ng isang buwan, nakaranas ang Pilipinas ng anim na bagyo: Kristine (Trami), Leon (Kong-rey), Marce (Yinxing), Nika (Toraji), Ofel (Usagi), at Pepito (Man-yi).
Si Pepito, na naging typhoon nitong Biyernes, Nobyembre 15, ang ika-16 na tropical cyclone ng taong 2024. Mararanasan na ng ilang bahagi ng Pilipinas ang kanyang ulan at hangin simula Sabado.
Climate change ang palaging sinasabing sanhi, pero paano nga ba nangyayari ang malalakas at “unpredictable” na bagyo?
Kakausapin ng Rappler si atmospheric physicist Dr. Gerry Bagtasa, na binansagang “storm seer” dahil sa isang pag-aaral na ginawa niya tungkol sa epekto ng mas mainit na planeta sa mga bagyo.
Panoorin ang interview ni Rappler head of community Pia Ranada at Dr. Bagtasa sa Lunes, Nobyembre 18, 7 pm, sa page na ito at sa YouTube at Facebook pages ng Rappler.
Si Dr. Bagtasa, na mula sa University of the Philippines Institute of Environmental Science and Meteorology, ang nagsagawa ng simulation ng mga malalakas na bagyo tulad ng Ulysses at Yolanda, kung nangyari ang mga ito sa mundong mas mainit ang mga dagat. Dahil dito, nakita niya at ng kanyang team ang epekto ng pag-init ng panahon sa kung gaano kalakas ang bagyo at kung paano ito kumikilos.
Gumawa rin sila ng simulation ng mga bagyo kung mangyayari ang mga ito kung ang mga bansa ay gumagamit pa rin ng fossil fuel para sa kuryente at transportasyon.
Habang nararanasan ng mga Pilipino ang pinsalang dulot ng mga bagyong ito, nangyayari ang United Nations climate change conference sa Baku, Azerbaijan. Dito pinag-uusapan kung ano ang suportang dapat napupunta sa mga bansang tulad ng Pilipinas tuwing dinadaanan ng malalakas na bagyo ang mga ito.
May tanong ka ba kay Dr. Bagtasa? Maaaring magpadala ng mga tanong at komento sa Project Agos chat room sa Rappler Communities app bago mag-4:30 pm sa Lunes.
Ang Project Agos ay isang public chat room tungkol sa disaster management at response, at sa updates at balita tungkol sa mga bagyo at iba pang natural calamities sa Pilipinas.
Ang Be The Good ang community show ng Rappler tungkol sa mga advocay at mga tao at grupong naghahanap ng solusyon sa mga problema at isyung kinakaharap ng mga komunidad.
Panoorin ang iba pang episodes ng Be The Good:
– Rappler.com
CHINESE OFFICIALS ARE exploring a potential sale of US TikTok operations to billionaire Elon Musk…
An Australian volunteer soldier in Ukraine is believed to have been killed after being captured…
Aims to debut original & collaborative IP collections with leading IP owners Funding will go…
If you're a regular TikTok user, you may have heard the names REDnote and Lemon8…
Amid the upcoming TikTok ban in the US, rumor mills are churning overtime. Reportedly, Chinese…
FCC Commissioner Brendan Carr once assured me in an interview that “the tide is moving…